Miyerkules, Marso 6, 2013

                          Tunay ngang mga bayani ang taong nagbigay sa atin ng kalayaan at kasarian tulad nila Andres Bonifacio at Jose Rizal pero sa modernong panahon meron ngayon sino nga ba ang mga tunay na bayani? Sila ba yung mga politiko na makatulong lang kaunti ay akala na nila na controlado na nila ang buhay ng tao o sila ba yung taong nagsisikap maipakita lang ang pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan ng hindi humihingi ng kapalit. 

            
                    Marami sa atin ang nakakalimot sa tunay na kahulugan ng bayani. Marami pa rin ang naniniwala na bayani ka na kapag binubuwis mo ang buhay para sa kapwa mo. Hindi manlang nila naisip na sa mga mukha na nakikita nila sa kalye na hindi pinapansin nasasalamin ang kabayanihan. Yung mga mukhang nagbabanat ng buto para sa ika-uunlad ng pamilya at bayan. Yung mga mukhang hindi mo na makilala dahil nakabilad sa tirik ng araw para lang mag banat ng buto.


                    Nakakalimot sa kalahagahan ng mga tunay na bayani. Na hanggang sa ngayon ay hindi nababantayan ang mga karapatan at hindi nabibigyang pansin ng ating gobyerno. Hindi sila napapansin dahil sa hindi sila nagbabayad ng tax at hindi nakakatulong sa pag-unlad ng economiya. Ito marahil ang natatanging dahilan kaya marami sa mga tunay na bayani ay namamaltrato na naaabuso hanggang sa ngayon. Sa iyo sino ba ang tunay mong bayani?